Wednesday, April 17, 2013

Break Room Diaries...Earthquake Bloopers


Kahapon lumindol na naman...

Kala ko nung una nahihilo lang ako...

Nakakahilo pala talaga kasi mas malakas yung sa kahapon.

Inempake ko agad ang bag at baon bag ko, sabay tingin kay Louiela.."Lou, lumilindol...baba na tayo..."

Sabi naman nya ke amo, "Amo, gumagalaw tayo, baba na tayo..."

Sagot naman ni "Amo...Sige"...kaya lang maya-maya binawi nya, sabay sabing "Safe tayo dito..."

Salamat na din at dumating ang mga pinaka-amo namin pati na din yung amo sa Security...sinabi nila na may mga pulis at ambulansya sa baba...ligtas ang building at huwag mag-alala.

Sa gitna ng kaguluhan etc., may mga eksenang di namin malilimutan...

Salamat sa mga bloopers at naging masaya pa din kahit na medyo stressful sya (pag-uwi ko sa bahay eh daig ko pa ang sumagot ng napakadaming irate na customer sa pagod).

Scene No. 1

Amo: Teka, teka, wag kayo bumaba, dito lang kayo, nagpadala ako ng email. Basahin nyo...

(Akalain mo nga naman, nakuha pang mag-email sa gitna ng kaguluhan...hehehe...Iba ka talaga amo...)

Scene No. 2

Ako (sa mga team members namin): Guys, handa kayo...baka bumaba tayo kasi lumilindol

Agent No. 1: Teka, ano ilalagay ko "Not Ready" or "Break"

(Pak! Hahahaha)

Scene No. 3

Habang may balita na nakaflash sa TV about sa lindol...si Amo eh nagsasalita ala newscaster lang...

Nagtanong kasi yung isang agent...

Agent: Amo, amo, hayan yung lindol

Amo: Apektado tayo dahil lumindol ulit sa Iran...Geology...

Ako (sa isip ko lang): Wow, galing ni amo, sana explain nya ano ba yung cause nung earthquake kasi clueless ako...Geology daw...

Amo: (Sabi ke agent)...Geology...kasi malapit nga tayo sa Iran...(sabay turo sa mapa na nakaflash sa TV)...

Ako (sa isip ko pa din): Ah...Geography pala ibig nyang sabihin...Pak! na naman...Hahaha

Saturday, April 13, 2013

Shopping Wishlist

OMG!

How I adore these heels!

Of course, you'll have to bear with the heights!


And don't forget to check the dictionary...

 
Photos are from Mango's page.
 
For more fabulous photos, you can check them here, their FB page.
 
XoXo,
 
Joana 
 
 

Break Room Diaries...It Takes a Man and a Woman

 
Kinikilig ako!
 
Di ko palalagpasin tong movie na to!
 
Am a big fan of Laida and Miggy love team!
 
Syempre, pinanood naming ang trailer nung lunch time...Hahaha...Salamat sa Wifi access!
 
Kelan kaya to papalabas sa Doha?
 
Sumakit na naman ang tyan namin kakatawa.
 
May isang staff kami, inaasar nung isa pa namin na staff...malapit na daw ang engagement party kaya lang lagi dinedelay dahil di pa magkasya ang gown.
 
Sabi ko, in my case, it's the other way around.
 
Malaki ang gown ko, so kapag di ako nagkasya...wala na! Hahaha...
 
P.S.
 
Happy weekend nga pala!
 
XoXo,
 
Joana
 


Break Room Diaries...There's an earthquake!

Miyerkules...

Di pa din kami maka-move on sa lindol nung Martes.

Sino ba naman mag-aakala na sa Gitnang Silangan eh lilindol din?

Mag-aalas tres ng hapon...

Habang nag-uupdate ako ng report sa excel sheets, parang nahihilo ako...

Sabi ko..."Louie? May lindol ba nahihilo kasi ako eh?" (sabay tanggal pa ng glasses ko).

Sagot naman nya..."Hindi. Anemic ka lang kaya ka nahihilo."

Sabi ko naman..."Hindi. Baka dahil marami akong nakain nung lunch..." (Pinilit ko kasi ubusin yung Chicken Lauriat sa Chowking)

Tumayo ako at sumunod ke Amo kasi may ipapakita daw sya pero hilo pa din ako...

Narealize ko, lumindol talaga dahil pati yung mga ibang staff naramdaman din!

Yung kaibigan ko na sa may Corniche ang office bumaba sila ng building.

I therefore conclude hindi epekto ng pagiging anemic o over-eating ang pagkahilo ko.

Oh, well. Lord, please keep us safe...

Be prepared and alert everyone!

XoXo,

Joana

Wednesday, April 3, 2013

Breakroom Diaries...Entry No. 1

Yehey!

Meron na kaming disenteng "pantry" sa opisina.

Salamat at hindi na kami standing ovation o Standing Room Only sa pagkain.

Syempre meron for boys and for girls.

May dalawang couch ala Lazy Boy at dalawang mesa na kainan.

Para sa aming mga tao na pagkain lang at pag-ihi napapatayo sa upuan, big deal na magkaroon ng pantry.

Salamat!

Nasanay na din ako magbaon sa opisina.

Mula sa sandwich na may palamang ChizWhiz (na kinakain ko na din bago mag 12:30 PM dahil maaga ako magutom), sa de lata, Tender Juicy Hotdog (na ginto pala ang pagkabili ko), Century Tuna na may itlog, Sinigang, Bangus Sisig (hindi ako marunong magluto nito, instant lang yung igigisa lang sa sibuyas), etc. binabaon ko.

B.Y.O.B. (Bring Your Own Baon) sabi nga nila.

Lahat halos napapagkwentuhan sa trenta minutos o isang oras na break time.

Habang kami ay kumakain eh may mga ibang lahi na nagtatawanan.

Kaya naman pala...

Buti nalang meron kaming tagasalin sa ating salita...

Sabi ni Ale No. 1 na nakaupo sa ala Lazy Boy na upuan sa kanyang kaibigang si Ale No. 2, masarap daw umupo dun tapos nasa harap asawa nya at sumasayaw.

Hala! Ano daw?

Di din namin napigilan tumawa nang tumawa.

Alam ko, marami pang mga ganitong kwentong susunod...

XoXo,

Joana

P.S.

Nag-effort ako gumawa ng header kaya lang di ko ma-upload sa susunod na lang.

Looking forward sa susunod na lunch break.

Ano kaya mabaon bukas?